LCAT-VAWC ng Bayambang, Nakapagtala ng 104 Rating; Itinuring na “Highly Functional”

Isang makabuluhang tagumpay ang nakamit ng Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ng Bayambang matapos makapagtala ng 104 na marka sa audit ng DILG at opisyal na maitalang “Highly Functional” para sa taong 2025.

Ang natamong marka ay patunay ng matatag na kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa human trafficking at karahasan sa kababaihan at mga bata. Ipinapakita rin nito ang kahandaan at epektibong pagtugon ng komite sa mga kaso, kabilang ang pagbibigay ng agarang aksyon, legal na tulong, psychosocial support, at iba pang kinakailangang serbisyo sa mga biktima.

Sa patuloy na pagpapalakas ng mga mekanismo at programa, pinatutunayan ng Bayambang na seryoso ito sa pagsusulong ng karapatan, dignidad, at kaligtasan ng kababaihan at mga bata sa komunidad. (RSO; WMC)