Sa latest job fair na inorganisa ng PESO-Bayambang, may naitalang 16 applicants na hired on the spot, 14 near-hires, at 111 na qualified, out of 121 total registrants.
Ang job fair ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong ika-27 ng Oktubre, 2023.
Ang pagkakaroon ng job fair para sa local at overseas employment ay malaking katulungan hindi lamang sa mga Bayambangueño kundi pati na rin sa mga dumayo mula pa sa mga kalapit-bayan upang makapaghanap ng trabaho.