Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month, isang makulay at masayang Laro ng Lahi (traditional games) ang idinaos ng MSWDO at Child Development Workers Federation ngayong araw, November 20, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Dito ay nagpaligsahan ang mga child development learners sa mga larong gaya ng sack race, Maria went to town, calamansi relay, paper plate relay, cup pyramid, at straw relay.
Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng mga laruan bilang papremyo.
Dumating sa okasyon sina Vice-Mayor IC Sabangan at sina Councilor Philip Dumalanta, Coun. Martin Terrado II, at Coun. Jose ‘Boy’ Ramos upang bumati sa lahat at magbigay ng mensahe. (KALB/RSO; AG)