Kyle Echarri, Nagpakilig sa Bayambang

Bumida ang rising young star actor, singer, and songwriter na si Kyle Echarri sa Binibining Bayambang 2025 noong ika-3 ng Abril sa Bayambang Events Center.

Matatandaang unang sumikat si Kyle sa kanyang talento sa pagkanta sa “The Voice Kids Season 2” noong 2015 sa edad na 11. Pinatunayan din ni Kyle na maaari na siyang ihanay sa mga premyadong aktor sa bansa nang bumida siya sa mga palabas tulad ng “Kadenang Ginto,” “On the Wings of Love,” “Pamilya Sagrado” at “Senior High.” Sa ngayon, isa siyang aktibong bahagi ng entertainment industry ng Pilipinas at balanseng nagiging aktor at musikero.

Napuno ng ligaya ang mga tagapanood at sa kilig naman ang mga kandidata nang kinanta niya ang “Careless Whisper,” “Ako’y Sayo at Ika’y Akin,” at ang kanyang tampok na original song na “Pangako.”

Nagpapasalamat naman si Kyle Echarri sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga Bayambangueño. Pinahalagahan din ni Kyle ang pagkakataon na ibinigay ni Mayor Niña sa kanya na magpasaya sa tao at magbigay kumpiyansa sa mga binibini.

Hindi magiging posible at hindi makakamit ang tunay na kasiyahan sa gabi ng Binibining Bayambang 2025 kung wala ang suporta ng ng tunay na mukha ng “Beauty for love and service,” Mayor Niña Jose-Quiambao.

Isinulat ni: Artemus Clyde DG. dela Cruz

Larawan ni: Rob Cayabyab (Mayor Niña Jose-Quiambao FB page), SVCSBI

Inedit ni: G. Frank Brian S. Ferrer