KSB Year 8, Nagpatuloy sa Brgy. Manambong Norte, Sur, at Parte

Nagpatuloy ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 8 sa Brgy. Manambong Sur Evacuation Center, upang pagsilbihan ang ating mga kababayan sa mga barangay ng Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte nitong Agosto 28, 2025. 

‎Ayon sa tala ni KSB Year 8 overall coordinator, Dr. Roland M. Agbuya, daan-daang residente ang nag-avail ng mga libreng serbisyo ng munisipyo na hindi na kailangang mamasahe pa sa sentro, kaya’t laking pasasalamat ng mga ito.

‎Dumalo sina Konsehal Jose ‘Boy’ Ramos at Konsehal Rhyan de Vera sa nasabing programa at parehong nagbigay ng kani-kanilang mensahe.

‎Bilang dagdag na tulong, naghatid din ng libreng lugaw para sa lahat ang grupong Arangkada Nobenta.

‎Ang dedikasyon ng administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, katuwang si Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon para sa pagpapalawig ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, kung saan nakaloob ang KSB, isang inisyatibo na may layuning makapagbigay ng iba’t ibang libreng serbisyo para sa mga residenteng malayo sa sentro ng bayan. (Dexter Cedie P. Cayabyab/RGDS/RSO; AG)