Noong Aug 11, 2023 kasing-aliwalas ng alapaap ang paglapag ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 Team sa Inirangan-Reynado Elementary School (IRES) upang ituloy ang hamon laban sa kahirapan at ihatid ang mga libreng serbisyo mula sa Municipio para sa Brgy. Reynado, Carungay at Inirangan.
Sa pangunguna nina Inirangan Punong Barangay (PB) Jonathan Espejo, Reynado PB Joselito Sabangan at IRES Principal, Mrs. Rhodora Mondero, kasama rin ang mga IRES teachers, BHWs at CVOs, maligayang inabangan ng buong pangkat ng KSB Year 6 dahil muli nilang matatanggap ang iba’t-ibang serbisyo na may tatak Total Quality Service.
Sa mensahe ng pag-asa na hatid ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kanyang sinabi na malaki ang maitutulong sa pag-ahon ng buhay ng bawat Bayambangueño kung patuloy ang lahat na magtutulungan.
Dumalo rito sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan, Coun. Jose Ramos, Coun. Martin Terrado II, at Kasama Kita Sa Barangay Foundation Chief Operations Officer Romyl Junio, para kumustahin ang mga residente at magbigay ng payo. Pinaalalahanan din nila ang mga residente na patuloy na sumuporta sa mga proyekto at programa ng Munisipyo.