Sa joint meeting na inorganisa ng Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council, sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao at sa gabay ng Municipal Local Government Operations Office, tinalakay ang mga accomplishment, issues at concerns, at ways forward ng iba’t ibang departamento at ahensya ukol sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drug initiatives sa Bayambang.
Kabilang din sa agenda ang pagtalakay sa aplikasyon ng security clearance ng mga miyembro ng civil society organizations (CSOs) at iba pang kaugnay na usapin.
Ang pulong ay ginanap sa Mayor’s Conference Room, noong Hunyo 24, 2025, bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” para sa mas ligtas at mas maayos na pamayanan. (KB/RSO; JMB)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka