Dumalo ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan ng Bayambang sa Philippine Councilors League’s (PCL) 2nd Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) na ginanap noong Disyembre 1–3, 2025 sa Jpark Island Resort & Waterpark, Lapu-Lapu City, Cebu.
Layunin ng naturang programa na patatagin ang kakayahan ng mga lokal na mambabatas sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pagtalakay sa mahahalagang usaping pang-legislatura.
Kinatawan ng LGU-Bayambang sa pambansang pagtitipon sina SBM Zerex Terrado, SBM Jan Nazer David Junio, SBM Jocelyn Espejo, SBM Rhye De Vera, at SK Federation President John Roy Jalac.
Nakibahagi sila sa serye ng mga lecture, workshop, at policy discussion na tumutok sa epektibong pamumuno, pagbuo ng mga makabuluhang ordinansa, at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga lokal na konsehal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang kanilang aktibong pagdalo sa CLLEP ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng LGU Bayambang na mapahusay ang lokal na pamamahala at mas mapagsilbihan ang mga Bayambangueño sa pamamagitan ng mas maalam at mas handang mga lingkod-bayan.
Sa pag-uwi ng delegasyon, baon nila ang mga bagong kaalaman at kasanayang magagamit sa paghubog ng mas progresibong polisiya para sa bayan.




