Isinagawa ngayong araw, Mayo 22, 2025, ang isang committee hearing ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Coun. Gerardo DC. Flores, Chairman ng Committee on Land Use, Utilization and Zoning, katuwang si SB Secretary Joel V. Camacho
Tinalakay dito ang panukalang resolusyon na pinamagatang, “Resolution Approving the Issuance of Final Development Permit of Agricultural Infrastructure and Leasing Corporation for the Project ‘BYB Metro’ located at Brgy. Bani-Bical Norte, Bayambang, Pangasinan.”
Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan bilang mga resource persons upang magbigay-linaw at mamahagi ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagbalangkas ng angkop na hakbang pambatas.
Kabilang sa dumalo ang mga kinatawan nina Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Administrator; Ms. Ma-lene S. Torio, OIC-MPDO; Atty. Bayani B. Brillante, Jr., Municipal Legal Officer at OIC-Municipal Assessor; Engr. Bernadette D. Mangande, Municipal Engineer; at sina Mr. Eduardo Angeles, OIC-ESWMO; at Ms. Nerissa B. Zafra, Sanitary Inspector (RHU I).
Tinalakay sa pagdinig ang mga teknikal na detalye ng proyekto, mga potensyal na epekto nito sa kalikasan, kalusugan, at kaayusan ng komunidad, gayundin ang pagsunod ng proyektong “BYB Metro” sa umiiral na land use at zoning ordinances ng bayan.
Ang mga ibinahaging kaalaman at rekomendasyon ng komite ay mahalaga upang matiyak na ang mga desisyong gagawin ng Sangguniang Bayan ay naaayon sa kapakanan ng mga mamamayan ng Bayambang.
Ang resulta ng pagdinig ay inaasahang magsisilbing batayan sa magiging desisyon ng konseho kaugnay sa pag-apruba ng Final Development Permit ng naturang proyekto. (KB/RSO; MP/SB)