Dagsa ang mga magulang at opisyal ng barangay sa Brgy. Pangdel Covered Court nitong Biyernes, Enero 23, 2026, matapos magsagawa ang Local Civil Registry Office (LCRO) ng isang information and education campaign (IEC) na layong ilapit sa mamamayan ang mahahalagang kaalaman at serbisyo sa civil registration.
Sa temang “Your Name, Your Right!,” ipinaliwanag sa programa ang tamang pagrerehistro ng kapanganakan, kasal at kamatayan, gayundin ang mga bagong patakaran batay sa PSA Memorandum Circulars upang maiwasan ang aberya sa mga rekord sa hinaharap.
Pinangunahan ni Municipal Civil Registrar Ismael D. Malicdem Jr. ang talakayan kung saan malinaw niyang ipinaliwanag ang mga proseso at sinagot ang samu’t saring tanong ng mga dumalo sa open forum. Ipinahayag naman ni Punong-guro Ms. Filipina J. Macaso at Punong Barangay Hon. Renato C. Herrera ang kanilang pasasalamat sa LCRO sa pagdadala ng serbisyo mismo sa komunidad.
Kasabay ng IEC, nagkaloob din ang LCRO ng iba’t ibang serbisyong sadyang inaabangan ng publiko tulad ng late registration, correction of entries, legitimation, paggamit ng apelyido ng ama, supplemental reports, at maging pagpapalista sa nalalapit na libreng mass wedding. (LCRO; LCRO)






