Ang Local Youth Development Council (LDYC) ay nagdaos ng 1st quarterly meeting para sa recomposition ng LYDC at upang tipunin ang mga youth leaders at stakeholders at talakayin at mag-strategize ukol sa mga key youth development initiatives sa ating komunidad.
Pinangunahan ang pulong nina LYDC President, Hon. Marianne Cheska Dulay (Sangguniang Kabataan Federation Council), LYDC Vice-President John Roy Jalac(SKFC), at ni LYDC Secretariat Ray Hope Bancolita (LYDO 1) sa SB Session Hall noong February 17, 2025.
Kabilang sa mga pinag-usapan ay ang LYDC committee membership, roles and responsibilities ng Bantay Kabataan, partnerships sa mga youth-centered projects, formulation ng Local Youth Development Plan, at ang nakatakdang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Naging participants dito ang mga youth organizations at youth-serving organizations kabilang ang Sangguniang Kabataan Federation, LGBTQI Balon Bayambang Association, Binibining Bayambang Foundation, Supreme Student Council ng PSU-BC, SSLG ng BNHS, BKD, BNHS, Yes-O BNHS, at CIASI Bayambang.
Dumalo rin si former LYDO at ngayon ay Persons with Disability Affairs Officer Johnson Abalos. (RSO; LYDO)