Muling tumanggap ng pinakamataas na parangal ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. bilang 1st place winner sa National Literacy Awards, partikular na sa kategorya ng “Sustainable Literacy Livelihood Program.”
Ito ay isang pagkilala sa mga iniimplementa ng KKSBFI na sustainable literacy at livelihood programs sa ating bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng training sa kanilang mga livelihood beneficiaries.
Ang parangal ay iginawad ng Department of Education Literacy Coordinating Council na ginanap noong December 12, 2024, sa Water World Hotel, Mandaue City, Cebu.
Ang KKSBFI ay pinamumunuan ng dating alkalde, Dr. Cezar T. Quiambao. (Sammy Camorongan Lomboy Jr./RSO; JMB)