Isang training sa “Urban Gardening at Hydroponics Technology Livelihood Program” para sa mga urban areas ang inumpisahan noong June 18, 2024, at ito ay magtatapos sa June 19, 2024.
Ito ay ginaganap sa Annex Building Conference Room sa pag-oorganisa ng Municipal Agriculture Office para sa mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI).
Sa unang araw ng training, tinalakay ni Agricultural Engineer Cristina Ramirez Padua ang hydroponics, ang pagtatanim gamit ang isang growing solution at di nangangailangan ng lupa. Kanyang ipinaliwanag ang mga paksang “Nutrient Management and System Maintenance” at “Harvesting and Post-Harvest Handling.”
Sa ikalawang araw naman ay magbibigay ng aktuwal na demontrasyon sa mga partisipante ang hydroponics grower na si G. George Peralta sa may ZOne II. Kanyang tatalakayin ang mga paksang “Coco Peat Preparation” at “Nutrient Solution Preparation.”
Nilalayon ng training na turuan ang mamamayan ng isang modernong pamamaraan ng pagtatanim lalo na mga nakatira sa urban areas upang palakasin ang food security sa mga naturang pamayanan. (nina Maricar Perez, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)