Ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI)-Bayambang ay sumailalim sa orientation on hydroponics sa Balon Bayambang Events Center, noong Setyembre 25, 2024.
Ipinaliwanag ni Engr. Florelexie A. Valentin ng Municipal Agriculture Office na ang hydroponics ay ang pagtatanim gamit ang isang growing solution at ‘di nangangailangan ng lupa. Kabilang sa kanyang naging paksa ang “Basic Hydroponics,” “Brief History of Hydroponics,” “Advantages of Hydroponics,” at “Methods and Techniques of Hydroponics.”
Upang mas mapalalim ang kaalaman ng mga miyembro, nagbigay ng aktuwal na demonstrasyon si G. George Peralta, isang hydroponics grower mula Brgy. Zone II at Brgy. Magsaysay.
Ibinahagi din niya ang kanyang mga praktikal na kaalaman sa “Growing Practices,” “Coco Peat Preparation,” at “Nutrient Solution Preparation.”
Ang training na ito ay isang paghahanda para sa seguridad ng ating mga pagkain at pagpapayabong sa modernong pamamaraan ng pagsasaka lalo na ang mga nakatira sa urban areas. (Patrick Salas/KLB/RSO; JMB)