Noong May 21, nag-orient ang DSWD at MSWDO sa may 30 na miyembro ng KALIPI-Bayambang na 4Ps at non-4Ps member ukol sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.
Ipinaalam sa mga KALIPI member na kapag sila ay nakabuo ng isang grupo para maging isang SLP Association, sila ay maaaring makatanggap ng P450,000 bilang seed capital fund para sa kanilang mapipiling negosyo.
Ang orientation ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. (RSO; larawan: Jake Paez/BPRAT)