Kabataang Bayambangueño, Kabilang sa Nagwagi sa Global IT Challenge for YWD!

Muling ipinamalas ng isang kabataang Bayambangueño ang angking galing nito sa technolohiya, partikular na sa paggawa ng video (e-content) kasama ang ibang representante ng Pilipinas, sa ginanap na Global IT Challenge for Youth with Disability 2025 sa Ulsan, South Korea.

Si Lina A. Junio ng Bayambang National High School ay kabilang sa nagwagi.

Kasama niya ang kanyang trainer at coach na sina Mr. Raffy Carungay at PDAO Johnson Abalos.

Sinagot ng LGU ang gastos ng naturang koponan sa kumpetisyon gamit ang PDAO fund. (RSO; JRA/PDAO)