Kabataan, Ipinamalas ang Galing sa Sining at Panitikan sa “SKalinangan”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na idinaos ang “SKalinangan,” isang literary at arts contest na inorganisa ng Sangguniang Kabataan (SK) sa pangunguna ni SK Chairman John Roy S. Jalac nitong Agosto 19, 2025 sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Layunin ng aktibidad na bigyang-pugay ang talento at husay ng mga kabataang Bayambangueño na edad 15 hanggang 30 sa larangan ng sining at panitikan.

Kabilang sa mga patimpalak ang Poster Making Contest, ang paglikha ng mga makabuluhang poster na nagpapakita ng kanilang pananaw sa mga isyung panlipunan; Essay Writing Contest, ang pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga napapanahong paksa; at Poetry Slam, ang pagbigkas ng mga orihinal na tula na nagpapahayag ng kanilang damdamin at saloobin.

Ang mga nagwagi ay makatatanggap kada patimpalak ng P3,000, P2,000, at P1,000, cash prize, at ang mga hindi pinalad naman ay makatatangap ng consolation prize. (VMF/RSO; JMB)