Upang mas palakasin at mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, isinagawa nitong Setyembre 4, 2025 sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ang isang orientation program na naglatag ng mahahalagang kaalaman hinggil sa paggawa at proteksyon laban sa mga abusadong recruitment practices.
Dumalo sa nasabing programa si Konsehal Jocelyn Espejo, Chairman ng Komite sa Paggawa, Hanapbuhay, at OFW Concerns, na nagbigay ng kanyang mensahe. Naroon din ang mga Punong Barangay, Kalihim ng Barangay, at OFW Association Presidents.
Tinalakay sa orientation ang Batas Kasambahay ni ALI-LEO III, Ms. Maureen T. Gallego; Child Labor Prevention and Elimination Program ni Community Facilitator, Mr. Kyle L. Opinaldo; Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Person (AIRTIP) ni LEO III Designate Information Officer, Ms. Karen Lyn L. Tan, at ang mga tungkulin ng Barangay Employment Service Offices (BESOs) ni Admin Aide I, Mr. Dennis O. Flores.
Ang mga paksang ito ay nagbigay linaw at gabay para sa mas ligtas at makataong kondisyon ng paggawa sa bayan. (RGDS/RSO; JMB)







