Ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Bayambang ay nakilahok sa buong araw na team-building activity noong Mayo 16, 2025, sa Kangaroo Hill Pavilion and Resort sa Barangay Sancagulis.
Bago sinimulan ang mga masayang palaro, nagsilbing resource speaker si Ms. Erlinda Alvarez, CPA at Internal Audit Services (IAS) chief ng LGU-Bayambang, upang talakayin ang paksang Basic Management of Personal Finances.
Sila ay tinuruan din ng Barangay Nutrition Action Plan Budgeting at monitoring ng nutrition fund utilization.
Sinundan ito ng pamamahagi ng mga kit and token bilang pagkilala sa kanilang walang-sawang serbisyo at dedikasyon.
Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang kakayahan, motibasyon, at morale ng mga barangay health volunteer na siyang patuloy na nagsusulong ng mas malusog na pamayanan. (RGDS/RSO; MNAO)