Naging matagumpay muli ang veterinary mission na isinagawa ngayong araw, April 29, 2025, sa Brgy. Zone VII Covered Court, sa pagtutulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Pangasinan Govern’s Office sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa ilalim ni Provincial Veterinarian, Dr. Arcely G. Robeniol.
Daan-daang mga alagang aso at pusa ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan.
Simula alas-otso ng umaga, dumagsa ang mga residente bitbit ang kanilang mga alaga upang mabigyan ng libreng bakuna, deworming, gamot sa iba’t ibang karamdaman ng hayop, at bitamina.
Mayroon ding libreng konsultasyon para sa mga may katanungan ukol sa wastong pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop.
Bukod sa mga serbisyong pangkalusugan, nagbigay din ng impormasyon ang mga kawani ukol sa wastong pag-aalaga ng hayop upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ipinaliwanag din nila ang kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyon ukol sa pag-aalaga ng hayop.
Sa kabuuan, ang veterinary mission ay mayroong sumusunod na bilang ng naserbisyuhan:
Animals vaccinated: 305
Animals dewormed: 321
Vitamin packs given: 176
Animals treated: 90
Animals that received free consultation: 192
Total number of clients (pet owners) served: 178
Inaasahan na magpapatuloy ang ganitong uri ng programa sa iba pang mga barangay. (VMF/RSO; JMB)