Isang joint quarterly meeting ang isinagawa ngayong araw, December 12, 2024, ng lahat ng miyembro ng apat na special bodies, ang:
– Local Council for the Protection of Children (LCPC)
– Local Council on the Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC)
– Municipal Advisory Council (MAC), at
– Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) – Social Cultural Development and Protection
Pangunahing tinalakay ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance laban sa mga kaso ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSEM), alinsunod sa Memorandum Circular No. 2024-140 ng DILG, gayundin ang pagrerepaso at pag-update sa social protection thrust ng BPRAT.
Ang mga miyembro ng mga naturang konseho ay nagsipagpresenta din ng kani-kanilang mga accomplishment sa huling quarter ng taong 2024.
Iprinesenta din ng mga staff ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center ang iba’t ibang serbisyo na hatid ng ospital, at makikipagtulungan anila ang JKQMWC sa lokal na pamahalaan para mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga indigent at vulnerable sectors sa bayan.
Inanunsyo rin sa pulong ng DSWD Municipal Operations Office (MOO) ang mga natanggap na parangal mula sa katatapos na 2024 4Ps Program Implementation Review, kung saan ang MOO-Bayambang ay itinanghal bilang may “Best Gender and Development (GAD) Lens,” “SWDI Tool Champion,” at may “Highest Percentage of Self-sufficient Household Beneficiaries.”
Sa individual category naman, binigyan ng parangal sina Lawrence Roy P. Domagas at Mary Anne S. Olpindo bilang “Rookie of the Year,” Lawrence Roy P. Domagas bilang “Most Responsive MOO Staff”, at sina Melody Sagun, Angelica Lorraine Tino, at Benigno Tamayo bilang may “SWDI Encoding Proficiency.”
Ang pulong ay pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao via Zoom, kasama si Councilor Benjie de Vera bilang Sangguniang Bayan Committee Chairman on Women, Children and Family.
Naroon din ang mga concerned department at unit heads, line agency heads, CSOs, at pribadong sektor. (KALB/RSO; JMB)