Joint IEC ng RHU I at ESWMO, Inilunsad para sa Septage Management, Waste Segregation at Collection, at Communicable Disease Prevention

Simula noong May 14, 2025, isinagawa ang isang joint information-education campaign (IEC) ng Rural Health Unit (RHU) 1 at Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa iba’t ibang barangay upang talakayin ang mga napapanahong paksa.

Kabilang dito ang maayos na septage management, kung saan binigyang-diin ang pagtatayo ng water-tight septic tank sa mga bagong tahanan.

Inilahad din ang kahalagahan ng maayos na paghihiwa-hiwalay ng basura mula sa pinanggalingan nito at ang tamang iskedyul ng koleksyon.

Nagbahagi rin ang mga speaker ng impormasyon tungkol sa pag-iwas sa mga nakakahawang sakit, upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng komunidad.

Ang IEC na patuloy na isinasagawa upang mapalawak ang kaalaman ng mga residente sa mga isyung pangkalusugan at pangkalikasan ay isang 14-day campaign na inaasahang magtatapos sa Hunyo 2, 2025. (RGDS/RSO; RHU I)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka