Sa pinagsanib na pulong para sa 4th quarter ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at Municipal Advisory Council (MAC), iprinesenta at tinalakay ang mga 3rd quarter accomplishment ng mga naturang council para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2025.
Ang pagpupulong ay pinangunahan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Nina Jose-Quiambao, at ginanap ngayong araw, Disyembre 11, 2025, sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang grupo mula sa pribadong sektor.
Una ay ibinahagi ng LCAT-VAWC at LCPC ang mga naging hakbang at programang ipinatupad upang maprotektahan ang kabataan, kababaihan, at iba pang sektor na nangangailangan ng tulong.
Iprinesenta rin ang LCPC at LCAT-VAWC Plans para sa unang quarter ng CY 2026, bilang paghahanda sa mga bagong programa at patuloy na serbisyo sa komunidad.
Sumunod sa talakayan ang status update ng implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bayambang.
Inilahad din ang Tentative 4Ps Calendar of Activities para sa 2026, pati na ang updates mula sa iba’t ibang LGU departments kaugnay ng kanilang mga programa at serbisyo kung saan benepisyaryo rin ang mga Ps members.
Nagbigay rin ng ulat hinggil sa pagpapatupad ng Sustainable Livelihood Program, upang higit pang mapalakas ang kabuhayan ng mga pamilyang benepisyaryo.
Binigyang-daan din ang deliberasyon ukol sa iba’t ibang isyu at concern na may kinalaman sa mga programa, benepisyaryo, at sektor na saklaw ng mga naturang konseho. (RSO; JMB, WMC)










