Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang isang Employee Orientation para sa mga Job Order na kawani ng lokal na pamahalaan ngayong araw, Marso 16, 2026, sa Balon Bayambang Events Center, upang mabigyang-linaw ang mahahalagang patakaran, tungkulin, at responsibilidad ng mga empleyado nang higit na mapahusay ang serbisyong ibinibigay sa publiko.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang mensahe mula kay Mary Clare Judith Phyllis J. Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng integridad, dedikasyon, at malasakit sa paglilingkod bilang mga kawani ng pamahalaan.
Sinundan ito ng serye ng mga talakayan na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) kung saan ipinaliwanag ang vision at mission ng lokal na pamahalaan, mga uri ng employment status, nature of appointment, at inaasahang asal at pagganap sa trabaho ng mga empleyado.
Tinalakay rin ang administrative offenses at mga kaukulang penalties, na iprinisinta ni Atty. Melinda Rose R. Fernandez, MGDH I, pinuno ng HRMO, upang mapanatili ang disiplina at integridad sa hanay ng mga kawani.
Nagbigay rin ng mahalagang impormasyon hinggil sa mga usaping pangbuwis ang mga kinatawan mula sa Bureau of Internal Revenue na sina Jennilyn C. Miranda at Leahnicca F. de Vera, upang gabayan ang mga empleyado sa kanilang mga obligasyon bilang mga nagbabayad ng buwis.
Nagtapos ang orientation sa closing remarks ni Atty. Fernandez na muling nagpaalala sa mga kawani ng kahalagahan ng disiplina, propesyonalismo, at sama-samang pagtutulungan upang patuloy na mapabuti ang serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang para sa kapakanan ng mga mamamayan. (WMC; AG)







