Nakapagtala ng daan-daang aplikante ang job fair na idinaos ng Public Employment Service Office (PESO)-Bayambang katuwang ang PSU-Bayambang sa Balon Bayambang Events Center, July 9, 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patuloy na isinusulong ng LGU ang mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Bayambangueño sa pamamagitan ng pakikipagtuwang sa mga pribadong kumpanya at iba pang institusyon.
Nag-alok ng iba’t ibang oportunidad ang mga kalahok na kumpanya–12 para sa lokal at at 6 para sa overseas employment, kabilang ang SM Super Shopping Market, One Source General Solutions, Sutherland Global Services, SaveMore Sanford Marketing Corporation, Staff Search Asia Service Cooperative, I-Merch Media Inc., Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center Inc., Computer Bucket, VXI Global Holdings, Jenerick International Manpower Inc., Camox Philippines, Inc., at Golden Legacy Jobmovers Corp.
Kasabay nito, naghatid rin ng one-stop shop services ang anim na ahensya ng gobyerno–SSS, Pag-IBIG Fund, PhilHealth, NBI, DMW, at OWWA–upang mapadali ang pagproseso ng mga kinakailangang pre-employment na dokumento ng mga aplikante. (LFA/RSO; JMB)








