Ang Public Employment Service Office (PESO) ay nagsagawa ng isa na namang job fair na dinaluhan ng 7 local at 2 overseas employers.
Ito ay ginanap ngayong araw, Nobyembre 17, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang nasabing aktibidad, na pinamunuan ni SLEO Gernalyn Santos, ay sinipot ng 82 aplikante, kung saan 21 ay hired on the spot (HOTS).
Isang kawani ng DMW ROI na si Lalaine Casugay ang bumisita bilang suporta sa aktibidad. (PESO/RSO; PESO)






