JKQ Medical and Wellness Center, Pormal nang Binuksan

Pormal nang binuksan ng pamilya Jose-Quiambao ang Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center sa Brgy. Asin ngayong araw, October 18, 2024, sa presensiya ni First Lady Louise ‘Liza’ Araneta-Marcos, Congressman Mark Cojuangco, Congresswoman Rachel Arenas, DAR Secretary Conrado Estrella III, Governor Ramon Guico III, Vice-Governor Roland Lambino, Board Members, Dr. Sheila Baniqued, Engr. Vici Ventanilla, at Provincial Liga ng mga Barangay Federation President Raul Sabangan, at marami pang ibang opisyal.

Ang JKQMWC ay maghahatid ng de-kalidad na serbisyong medikal hindi lamang sa mga residente ng Bayambang, kundi para sa lahat ng Pangasinense

“My heart is full, and I feel grateful because we are fulfilling yet another promise to our town through the establishment of JKQ Medical and Wellness Center,” pahayag ni Mayor Niña.

“Sa pagkakatatag ng institusyong ito, binibigyan natin ng panibagong inspirasyon at pag-asa ang ating mga kababayan. We are giving them a reason to look forward to a bright future because finally, every Bayambangueño and Pangasinense will now be able to afford quality and advanced medical care,” aniya.

Hindi na kakailanganin pang magpahospital sa malayo dahil inilapit na ang isang ospital na naghahatid ng iba’t-ibang medical services gaya ng CT scan, 3D ultrasound, cone beam computed tomography, at isang magnetic resonance imaging (MRI), kabilang din ang mga operating rooms para sa minor and major operations, primary healthcare services, laboratory at diagnostic services, emergency and acute care, intensive care admission units, at mga specialized centers gaya ng eye center.

Hindi na rin kailangan pang mangamba ng bawat pasyente dahil ang lahat ng serbisyong medikal na ihahatid ng JQK Medical and Wellness Center ay matutugunan ng mga magagaling na espesyalista. (Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; Rob Cayabyab)