Issues at Concerns Kaugnay ng RA 11285 (o Energy Efficiency and Conservation Act), Pinagpulungan

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpulong ang iba’t ibang departamento upang talakayin ang patungkol sa RA 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act at ang mga nararapat gawin kaugnay nito.

Ginanap ang pulong noong December 23, 2024, sa Mayor’s Conference Room.

Nakapaloob sa RA 11285 ang GEMP or Government Energy Management Program, na nagmamandato sa lahat ng LGU na isakatuparan ang target na 10% energy savings.

Batay din sa batas na ito, kinakailangang ang mga miyembro ng Local Energy Efficiency and Conservation (EEC) Council ay magconvene upang buuin at ipatupad ang mga Local Energy Efficiency and Conservation Plan 2025-2027, kabilang ang paghahanap ng pondo para sa 2025 EEC projects; energy efficiency and conservation policy, measures, and issuances; renewable energy projects; at Energy Audit and Energy Management System.

Ang mga naturang Energy Efficiency and Conservation measures at policies ay nakatakdang ipatupad sa bayan ng Bayambang simula sa buwan ng Enero 2025. (RSO; JMB)