Isinagawa ang MDRRMC Emergency Meeting

Ngayong araw, July 23, 2025, kasabay ng patuloy na pagmomonitor sa mga binahang lugar, pamamahagi ng relief goods, at pagbibigay ng gamot at check-up para sa mga kababayan sa evacuation center, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayambang ay nagsagawa ng isang emergency meeting. Pinangunahan ito ni MDRRMC Chairperson Mayor Niña Jose-Quiambao at MDRRMC Secretariat LDRRMO Genevieve N. Uy.

Mga Tinalakay sa Pulong:

1. Epekto ng Bagyong Crising:

Napag-usapan ang naging epekto ng bagyo sa mga apektadong lugar.

2. Paghahanda para sa Bagyong Dante at Emong:

Pagpapalakas ng mga hakbang upang mapigilan ang mas matinding pinsala at mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at Barangay DRRM Committees.

3. Habagat o Southwest Monsoon:

Paghahanda upang tugunan ang epekto ng malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.

Mga Aksyon ng Pamahalaan:

-Patuloy na pagsasagawa ng relief operations at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga apektado.

-Tiyaking nababantayan ang mga binahang lugar upang maiwasan ang mas malaking pinsala.

-Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng

MDRRM Council, mga pinuno ng iba’t ibang departamento/unit, at mga Barangay DRRM Committees upang masiguro ang maayos at koordinadong tugon sa mga hamon na dulot ng mga bagyo at Habagat.

Patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Bayambang upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng maagap na paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.