Isa na namang scops owl ang isinurender ng ilang residente noong ika-18 ng Marso, sa ESWMO.
Ang naturang kuwago ay unang isinurender nina Bosyong Lorenza, Darwin Gallardo, at Arnulfo Laza, mga residente ng Brgy. San Gabriel 1st, kay MENRO Joseph Anthony Quinto sa tanggapan nito.
Agad naman itong dinala ng kanyang mga staff na sina Moises Rebamontan at Michael Abalos sa DENR-PENRO Lingayen. Ito ay tinanggap ni Nelson A. Barlongo, Senior Ecosystem Management Specialist ng DENR-PENRO.
(ni: Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: ESWMO)