Isang ‘I Do,’ Isang Pangarap: 71 Couples, Pinagbuklod ng Pag-ibig sa Mass Wedding 2026 ng Bayambang

Hindi lang palakpakan kundi masasaya at matatamis na ngiti ang bumungad sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, Pebrero 12, 2026, nang sabay-sabay na bigkasin ng mga 71 na magkasintahan ang matamis na salitang “I do” sa ginanap na Mass Wedding 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang.

Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Local Civil Registry Office sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Ismael Malicdem, Jr. na siya ring nagbigay ng pambungad na mensahe.

Pinangunahan ni Mayor “Niña” Jose-Quiambao ang naturang seremonya bilang solemnizing officer at siya ay nagbigay ng kaniyang espesyal na mensahe.

Payo niya sa mga bagong kasal, “In moments of doubt, be their certainty. In moments of weakness, be their unyielding strength. Do not just strive to be ‘right’—strive to be the peace, the refuge, and the anchor that your partner can always come home to.”

Sinundan naman ito ng mensahe ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan. Aniya, “May tatlong payo lamang akong nais iwan sa inyong lahat. Una, magkaroon ang bawat isa sa inyo ng right na magsalita. Ikalawa, matuto mag-budget, at higit sa lahat, hindi dapat matapos ang araw na may galit kayo sa isa’t isa.”

Nagbigay rin ng mensahe si Ms. Verna Palsimon, PSA Senior Statistical Specialist, sa pamamagitan ni Mr. Allen Joy Paulo.

Dumalo sa naturang seremonya ang mga iba pang principal sponsors, mga ninong at ninang na kinabibilangan nina SATOM, Dr. Cezar Quiambao, Board Member Raul Sabangan, Councilor Jan Nazer David Junio, Councilor Jose Ramos, Councilor Gerardo Flores, Councilor Zerex Terrado, Councilor Levinson Nessus Uy, Councilor Jocelyn Espejo, Councilor Raymund Camacho, Councilor Rhyan de Vera, OIC Liga ng mga Barangay President Rodelito F. Bautista, at Sangguniang Kabataan Federation President John Roy Jalac.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga magkasintahan na gawing legal at makabuluhan ang kanilang pagsasama nang libre sa isang simple ngunit espesyal na seremonya.

Naging masaya lalo ang naturang seremonya sa mga ibinigay na regalo nina Mayor Niña, na nagbigay ng P3,000 cash prize gift, at si Vice-Mayor IC, na nagbigay din ng regalo na magagamit ng bawat bagong kasal.

Idineklara bilang Earliest Couple Awardee ang couple na sina Mr. Jerald Sabangan Frias at Ms. Zaira Rodriguez Sales sapagkat sila ay nasa venue na ng 11:00 am kahit ang call time ay 1:00 pm. Nakamit naman nina Fidel Calixtro Menor at Ms. Roxsanne Palaming Tamondong ang Most Photogenic Couple award; Best Dressed Couple award naman ang couple na sina Mr. Gaysile Rabe Ignas at Ms. Joseph Macaraeg Fernando; Best Smile Together award sina Mr. Jayward Abarguez Navales at Ms. Rachelle Junio Macaraeg; Most Romantic Couple award sina Mr. Dante Bautista Balolong at Ms. Karina San Diego Zamora; Lifetime Commitment award ay nakuha naman nina Sammy Aquino de Guzman at Ms. Cherry Tuon Tanas; Strongest Together Award sina Mr. Joel Junio Custodio at Ms. Jessa Patalod Abalos; at ang nakakuha ng Most Inspirational Love Story Award ay ang couple na sina Mr. Manuel Ambag Quejadas at Ms. Marites Sagun Cordero.

Bilang pagtatapos ng programa, nagsagawa ng signing of marriage certificate at picture-taking ang bawat bagong kasal sa kanilang mga ninong at ninang.

Umuwi ang mga mag-asawa na may bagong apelyido, bagong simula, at iisang pangakong aalagaan ang pagmamahalang pinagtibay hindi lang ng pirma, kundi ng puso na ang Diyos ang nasa sentro. (John Patrick A. Tabuga/JLT/RSO; RobC (first 3 photos), AG)