Isang Binata, Naipagamot ng LGU sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center

Noong July 14, naging daan ang Mayor’s Action Center (MAC) upang matulungan na makapunta sa follow-up psychiatric check-up ang isang binata na taga Brgy. Amanperez.

Noong February 19, unang sinaklolohan ng MAC ang binata at dinala agad sa Region I Medical Center (RIMC), Dagupan City para maipatingin sa espesyalista sa pangunguna ni Ms. Josie E. Niverba, Medical Assistance Head ng MAC.

Sa ngayon, patuloy na inaasistehan ng MAC ang pasyente sa kanyang mga follow-up check-up at inaasikaso din nila ang pag-avail nito ng libreng gamot na RIMC.

Ayon kay Ms. Niverba, bumuti ang kalagayan ng pasyente simula nang maipagamot nila ito at isa ang pasyente sa 44 na active psychiatric patients na patuloy na inaasistehan ng MAC.

Muli namang pinapaalalahanan ang mga indigent constituents na nangangailangan ng tulong na huwag mag-atubiling lumapit sa tanggapan ng MAC dahil prayoridad nito ang kapakanan ng mga Bayambangueño na nasa nasabing sektor. (MAC/RSO; MAC)