IQAs, Sumabak sa Enhancement Training

Sumabak sa isang Enhancement Training ang buong Internal Quality Audit (IQA) Team ng LGU na ginanap noong Hunyo 16–18, 2026 sa RHU I Conference Room bilang pagpapatuloy ng layunin nitong makapaghatid ng de-kalidad at episyenteng serbisyo.

Ang pagsasanay ay buong suportang isinusulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kalidad ng pamamahala at serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Dalawampu’t tatlong 23 piling kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng LGU ang lumahok sa pagsasanay upang higit pang paunlarin ang kanilang kakayahan bilang mga Internal Quality Auditor.

Sa aktibidad, napalalim ang kanilang kaalaman sa mga prinsipyo ng quality management, napalakas ang kanilang kakayahang magsagawa ng makabuluhang mga internal audit, at natiyak na patuloy na naipatutupad ang mga pamantayan ng kalidad sa bawat tanggapan.

Nakiisa rin sa programa ang IQA Head na si Charmaine Rose Bulalakaw, Quality Management Representative (QMR) Maria Concepcion Carmela Atienza-Santillan, at Document Control Custodian (DCC) Ricky Bulalakaw, na nagbigay ng kanilang suporta at gabay sa mga kalahok sa buong pagsasanay.

Ang enhancement training ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Bayambang na hindi lamang mapanatili ang pagsunod sa mga itinakdang pamantayan, kundi higit sa lahat ay makabuo ng kultura ng patuloy na pagpapabuti (continual improvement), pananagutan, at kahusayan sa pamamahala.

Sa pamamagitan ng mas matatag at mas mahusay na Internal Quality Audit Team, mas magiging epektibo ang paghatid ng serbisyo-publiko sa lahat ng Bayambangueño. (SMGC/RSO; AG)