IQA Opening Meeting, Ginanap

Ang mga department and unit heads ng LGU ay pinulong ng Internal Audit Service at ICT Office sa Mayor’s Conference Room para sa Internal Quality Audit (IQA) Opening Meeting noong September 9, 2024.

Tinalakay sa pulong ang overview ng proseso ng IQA, mga schedule, mga dapat asahang scenario, at ang sakop ng audit.

Nagkaroon din ng oportunidad para makapagtanong ang lahat ng departamento ukol sa auditing process bago maisagawa ang panibagong audit.

Kinabukasan, September 10, nag-conduct naman ng isang enhancement traning para sa mga Internal Quality Auditors sa Mayor’s Conference Room at via Zoom video. (RSO; AG, JMB)