Sa layuning patuloy na maitaas ang antas ng serbisyo publiko para sa bayan at sa bawat Bayambangueño, matagumpay na isinagawa ng Internal Quality Audit Team ng LGU-Bayambang ang isang post audit meeting noong April 22, 2025, sa RHU I Conference Room. Pinangunahan ito nina Ricky Bulalakaw, DCC, at Charmaine Rose C. Bulalakaw, Head, Internal Quality Audit Team.
Sa naturang pulong, pinagtuunan ng pansin kung paanong higit pang mapapaigting ang mga proseso, hindi lamang upang masunod ang pamantayan, kundi upang ito ay mahigitan.
Kasama rin sa mga deliberasyon ang mga estratehiya para sa mga susunod na internal quality audit at ang mga kinakailangang training upang lalo pang hasain ang kakayahan ng IQA Team.
(SUG; IQA Team)




