Bilang pagtatapos ng isinagawang Internal Quality Audit (IQA) sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang, ginanap ang IQA Closing Meeting nitong Oktubre 23 sa Balon Bayambang Events Center.
Dinaluhan ng lahat ng department at unit heads mula sa iba’t ibang opisina ng munisipyo ang naturang pagpupulong, na naglalayong talakayin ang naging resulta ng audit at ang mga rekomendasyong makatutulong sa patuloy na pagpapabuti ng mga proseso sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Sakop ng pagpupulong ang isinagawang audit sa 34 ISO-certified areas, kabilang ang Slaughterhouse at Warehouse, na isinagawa mula September 16, 2025 hanggang ngayong araw, Oktubre 23, 2025.
Tinalakay ng mga miyembro ng audit team ang mga commendable practices at mga areas for improvement na naobserbahan sa bawat departamento.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkakaron ng mas mahigpit na koordinasyon at pagsunod sa mga pamantayang itinakda ng Quality Management System (QMS) upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo ng pamahalaang lokal.
Ang naturang pagpupulong ay nagsilbing pagpapatunay sa dedikasyon ng kasalukuyang administrasyon, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pagpapatuloy ng quality management initiatives na naglalayong isulong ang mahusay, episyente, at tapat na pamamahala para sa mga Bayambangueño. (RGDS/RSO; JMB)






