Isinagawa ang isang internal assessment ng huling batch ng mga Child Development Centers (CDCs) ng Bayambang bilang bahagi ng proseso para sa Early Childhood Care and Development (ECCD) accreditation ng mga ito.
Ang naturang pagsusuri sa nalalabing 14 CDCs ay isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang matiyak ang kalidad ng serbisyong ibinibigay sa mga batang Bayambangueño at maihanda ang mga ito sa gaganaping external validation.
Ayon kay ECCD Focal Person Marvin Bautista, sa oras na maisakatuparan ang external accreditation ng nalalabing CDCs, ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng 100% accredited Child Development Centers ang Bayambang, isang makasaysayang tagumpay sa larangan ng maagang edukasyon at pag-aaruga sa kabataan!









