Internal Assessment ng CDCs at CDWs, Isinasagawa 

Nagsasagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng monitoring at validation ng 34 Child Development Centers (CDCs) at Child Development Workers (CDWs) ng Bayambang para masiguro kung tama ang mga dokumentasyon ng mga naturang pasilidad pagdating sa mga pamantayan ng Early Childhood Care and Development (ECCD).

Nakatakda ang external evaluation sa mga CDC sa buwan ng Setyembre, kaya’t nais repasuhin ng MSWDO ang mga naturang dokumentasyon upang masiguro ang kanilang accreditation at pagpasa sa pagsusuri ng ECCD Council at ECCD assessors mula sa Pangasinan Social Welfare and Development Office. (RSO; MSWDO)