Opisyal nang binuksan ang Inter-District Basketball and Volleyball Tournament 2024 ng LGU-Bayambang, sa pag-oorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council, katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Bayambang noong April 20, 2024 sa Events Center.
Ang aktibiad ay nag-umpisa sa isang parada sa palibot ng Poblacion, at sinundan ng presentation ng mga koponan kada distrito sa Balon Bayambang Events Center.
Ang kumpetisyon ay para sa 15-30 year old na kabataan, at may temang, “Engaging through Sports towards Unity, Sportsmanship, and Great Camaraderie.”
Matapos ang mga pambukas na mensahe mula kina Councilor Amory Junio, SK Federation President Marianne Cheska Dulay, at representante ng Municipal Administrator na si Mark Espino, ang mga atleta ay binigkas ng sabayan ang Panunumpa ng Manlalaro. Saka nanood ang lahat ng Best Muse contest kung saan naging hurado sina Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim, Mr. Sammy Camorongan Lomboy, at MPFSDC officer Dennis Aldrin Malicdem, at nanalo naman ang muse ng District IV.
Pagkatapos ay ginanap na ang preliminary match sa women’s volleyball.
Ang opening ceremony ng tournament ay nagtapos sa mensahe ni MPFSDC Executive Director, Ret. Prof. Bernardo Jimenez. (RSO/Ace Gloria)