Inspection sa mga Karne at Weighing Scale sa Public Market, Isinagawa

Nagsagawa ng inspection sa mga karne at weighing scale sa Public Market ng Bayambang ang mga kawani ng Special Economic Enterprise (SEE) kasama ang Meat Inspector upang matiyak ang kaligtasan ng mga produktong karne at ang tamang timbang na ibinibigay sa mga mamimili.

Sa isinagawang inspeksyon, dalawang (2) defective na weighing scale ang nakumpiska. Nakumpiska rin ang ilang illegal na dilaw (yellow) na ilaw na ginagamit sa mga pwesto ng karne na maaaring makaapekto sa tunay na kulay ng karne.

Layunin ng nasabing hakbang na maprotektahan ang mga mamimili at masiguro ang patas na kalakalan sa loob ng pamilihang bayan.