‘Information Security Policy’ ng LGU, Tinalakay sa IT-TWG Meeting

Pinulong ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang lahat ng miyembro ng IT Technical Working Group (TWG) upang talakayin ang ‘Information Security Policy’ ng LGU-Bayambang.

Layunin ng pulong na paigtingin ang kaalaman ng mga opisina sa pagharap sa mga hamon ng makabagong teknolohiya, lalo na pagdating sa seguridad ng datos na nakakalap ng LGU o mga impormasyong nagmumula dito.

Ang IT-TWG meeting ay ginanap noong Abril 24, 2025 sa Balon Bayambang Events Center. (RGDS/RSO; AG)