Information Caravan at Bloodletting Activity, Nagbigay ng Serbisyo at Impormasyon sa Coconut Farming

Isang bloodletting activity kasabay ng isang information caravan ukol sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) ang isinagawa ng LGU at Philippine Coconut Authority (PCA) ngayong araw, Hulyo 6, 2026, sa Balon Bayambang Events Center, at ito ay dinaluhan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng Bayambang.

Ang information caravan ay naglalayong ipakilala ang mga programa sa ilalim ng CFIDP at hikayatin ang mga magsasaka na magtanim ng niyog para sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Kasabay nito ang blood donation activity na isinagawa sa pakikipagtulungan ng RHU-Bayambang at Philippine Red Cross – San Carlos City, kung saan sa kabuuang 72 registered possible blood donors, matagumpay na 51 blood bags ang nakolekta, na may katumbas na 70.8% success rate.

Nagbahagi rin ng kani-kanilang programa at serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Agricultural Training Institute (ATI), Bureau of Animal Industry (BAI), Cooperative Development Authority (CDA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Land Bank of the Philippines (LBP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), kabilang ang mga scholarship, lending program, training, market assistance, at iba pang serbisyong makatutulong sa mga coconut farmer.

Nagbigay ng orientation ang PCA Region I, ICAR, tungkol sa CFIDP, kung saan tinalakay ang mga layunin at benepisyo ng programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog at pagpapalakas ng kabuhayan ng mga coconut farmer.

Bilang pagtatapos ng programa, namahagi ang CFIDP ng mga punla ng niyog at mga aklat na Coconut Technology Guide Kit sa bawat dumalong magsasaka. Nagbigay rin ang Health Medical Program ng mga bag na naglalaman ng mug sa mga kalahok. (MADL/RSO; JMB, MADL)