Noong April 24, muling nagsagawa ng information campaign ang RHU I ukol sa non-communicable diseases gaya ng hypertension, diabetes mellitus, at cancer. Ito ay upang makaiwas ang publiko sa mga naturang sakit at maiwasan din ang mga posibleng komplikasyon nito.
Tinalakay din ang kahalagahan ng malinis na septic tank para naman maiwasan ang mga kaso ng gastroenteritis. Ang RHU I team ay nakapag-ikot na sa 38 barangays, kung saan mayroong naging 1,201 participants. (nina Vernaliza M. Ferrer, DMM/RSO;larawan ni RHU)