Ang mga tauhan ng BPSO, sa pangunguna ng BPSO Chief, ay namahagi ng mga leaflet/IEC flyer ukol sa road clearing operations sa iba’t ibang barangay sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials upang matiyak ang pagsasagawa ng road clearing operation sa kani-kanilang barangay bago ang aktuwal na inspeksyon.
Ang MTICAO at BPRAT team naman, sa tulong ng Engineering Office, ay nagpaskil ng mga signboard sa lahat ng istratehikong lugar ukol sa isyu.
Base sa Memorandum Circular 2024-053 na ipinalabas ng DILG kamakailan, kasama sa Road Clearing Operations 3.0 ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng barangay. Nakapaloob sa MC 2024-053 ang mga incentive sa pagsunod base sa quarterly inspection ng DILG.
Haharap naman sa kaso ang mga nakaupong opisyal na ‘di magpapatupad ng naturang kautusan. (RSO; larawan: BPSO, BPRAT)