Info Drive, Isinagawa para sa Disaster Resilience Month

Ang MDRRMO ay muling namigay ng Information, Education, and Communication (IEC) materials at tarpaulin sa 77 barangays at 67 public at private schools ng Bayambang noong July 10 at 12. Sa aktibidad na ito, mas pinaiigting ang kaalaman ng lahat ng Bayambangueño patungkol sa Disaster Resilience Month na ginugunita tuwing buwan ng Hulyo.