Ipriniesenta kina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang mga panukalang pagpapaganda para sa New Bayambang Cemetery at Municipal Plaza sa isang pulong na layuning paghandaan ang mga susunod na hakbang para sa implementasyon ng proyekto.
Kabilang sa tinalakay ang mga detalyeng arkitektural, disenyo, at layout ng mga pasilidad, gayundin ang mga mungkahing hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at dignidad ng mga lugar na ito bilang mahalagang pampublikong espasyo.
Ginanap ang presentasyon ngayong araw, Hulyo 14, 2025 sa Mayor’s Conference Room, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Municipal Engineering Office at iba’t ibang opisina ng LGU. (RGDS/RSO; AG)











