Importansya ng Pagbayad ng Amilyar, Ipinabatid sa Buenlag I; Mga Tax Declaration, Inisyu ng Assessor’s Office

Tuluy-tuloy ang Municipal Assessor’s Office sa pag-appraise, pag-assess, at pag-issue ng mga tax declaration para sa mga bagong naitayo at nadiskubreng istruktura, mapa-residential man o commercial building.

Noong May 15, 2025, ang team mula sa Municipal Assessor’s ay nag-ikot sa Brgy. Buenlag I, upang ipinaalam sa mga residente na ang pagbabayad ng amilyar o buwis sa lupa at istruktura ay itinatakda ng batas.

Saklaw dito hindi lamang ang mga commercial building, kundi pati na rin mga residential building (with exceptions).

Isa ang real property tax o amilyar sa mga pinanggalingan ng kita o revenue ng Munisipyo upang may pangtustos sa lahat ng development projects ng lokal na pamahalaan.

Sa ganitong paraan, ang bawat residente ay may ambag sa pamamahala at pagpapaunlad ng bayan. (MAO/RSO; MAO)