Implementasyon ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” sa mga Barangay, Inassess para sa 4th Quarter

Sinimulan ang tatlong araw na barangay validation at assessment activity ng Municipal Validation and Assessment Task Team noong Enero 21, 2024.

Layunin ng aktibidad na ito na suriin at tiyakin kung maayos na naipatutupad ng mga barangay ang iba’t ibang programa tulad ng Barangay Road Clearing Operations, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays, sa ilalim ng programang “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” na isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang municipal validation team ay binubuo ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng munisipyo, kabilang ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Sanitary Office, Agriculture Office, Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO), Bayambang Public Safety Office (BPSO), at Liga ng mga Barangay, at CSO representative.

Sa pamamagitan ng validation at assessment, napapanatili at higit pang napapabuti ang kalinisan, kaayusan, at food security sa bawat barangay.

Ang nasabing programa ay may malaking parte rin sa Bali-Balin Bayambang program ni Mayor Nina Jose-Quiambao na naghahangad ng isang bayan na malinis at kaaya-ayang tirhan. (RGDS/RSO; AG)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NIÑAAROTAKA