Imbestigasyon sa Kaligtasan ng mga Pampublikong Gusali laban sa Lindol, Isinagawa ng SB

Isinagawa ngayong araw ng Sangguniang Bayan ang isang imbestigasyon ukol sa kahalagahan ng pagtitiyak ng kaligtasan at katatagan ng mga pampublikong gusali sa ating bayan sakaling magkaroon ng malalakas na lindol, kasunod ng mga kamakailang pagyanig sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dumalo sa naturang pagdinig bilang mga resource person sina PEMS Arnulfo Modesto, PAT Jayson Penuliar, Engr. Bernadette Mangande, FO3 Randy Llavore, FO1 Ryan Galope, Ms. Annika Rose Malicdem, at Ret. Col. Leonardo F. Solomon, kung saan tinalakay ang mga hakbang para mapalakas ang kahandaan sa sakuna, pati na ang regular na safety inspection at mga protocol sa paglikas.

Nagpahayag din ang Sangguniang Bayan ng panawagan sa mga opisyal ng gusali sa pangunguna ni Engr. Mangande na magsagawa ng obligatoryong structural audit sa lahat ng pampublikong gusali upang matukoy kung ang mga ito ay ligtas pa at kayang tumagal sa malalakas na lindol. (text and photos: SB)