Patuloy na isinasagawa ng SEE Staff ng LGU Bayambang ang pag-aalis ng mga illegal na wiring sa Pamilihang Bayan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa paligid ng palengke.
Kasama sa operasyon ang pagtanggal ng hindi awtorisadong koneksyon, pag-ayos ng mga nakalantad na kable, at pagkumpiska ng mga natagpuang illegal na wires na maaaring magdulot ng panganib.
Hinihiling ng LGU ang kooperasyon ng lahat habang nagpapatuloy ang operasyon para sa isang mas ligtas at organisadong pamilihan.









